Huwebes, Pebrero 13, 2014

TOPIC : “ KDAPNB ”
( KABATAAN ‘DAW’ ANG PAG-ASA NG BAYAN )


TITLE: ANG PANIBAGONG KABATAAN
(KAIBAHAN NG KABATAAN NOON SA KABATAAN NGAYON)

     Kabataan ??? Pag-asa daw ng bayan ?? Ito yung paniniwala ni Gat Jose Rizal sa pahayag na ito. Dahil ang mga kabataan ay kumikilos upang mapabuti ang ating bansa. Ito ay sa pamamagitan ng mga protesta ngayon para maibaba ang singil sa pamasahe,langis at marami pang iba. Hindi bukas, hindi sa isang taon at hindi rin sa susunod na henerasyon , kundi ngayon. Dahil ang kabataan sa may malawak na pag-iisip. Katulad na lang ni Francisco Balagtas. Sa murang edad nagtatrabaho at nag-aaral siya. Dahil ngayon ang mga kabataan ay may bagong henerasyon na magpapalaganap ng pagkakaisa. 


     Hello! Kamusta life mo ??? kwento ka naman for the usap lang ng marami. HAHA tawa ka kahit hindi nakakatawa,HEHE.kwento mo sa tahong,ito’y isa mga halimbawa na salita ng mga kabataan ngayon. Pero sa totoo lang hindi ko alam ang tamang pamamaraan kung paano ko sisimulan, upang maiparating at maibahagi ko sa inyo ang aking saloobin ukol sa mga kabataang katulad ko. Sabi nga din ng matatanda na malaki ang pagkakaiba ng kabataan noon sa kabataan ngayon. Aba! Gusto ko lamang malaman ano nga ba ang pagkakaiba? Di ba’t nakakasawang pakinggan yung palaging pinagkukumpara ang mga kabataan noon sa kabataan ngayon . At henerasyon noon sa henerasyon ngayon. Ano-ano nga ba ang pinagkaiba ng kabataan noon sa kabataang ngayon ? aking sasaliksikin ang mga ito upang makapagbukas isip ang mga kabataang katulad ko.
Ika nga ni Hezell Leah “ IBA NA ANG PANAHON NGAYON ” patama sa mga teenagers ( syempre kasama na ako ) ikaw din ba natamaan? Ouuch ! Ika din nga ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal na“ KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN ”, sa tingin nyo ba kung nabubuhay ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal matutuwa ba sya sa mga kabataan ngayon ? HAY! BUHAY NGA NAMAN PARANG LIFE .


     Noong nakaraang linggo lang nakapanayam ko ang aking lola at nagtanung ako , lola bakit ba lagi nyong sinasabi na ibang-iba ang mga kabataan ngayon ? sagot niya, ibang-iba naman talaga ang mga kabataan ngayon kesa sa mga kabataan noong aking kapanahunan, dahil din siguro sa pagbabago ng ating henerasyon. Nagpanayam muli ako sa aking lola , anu-ano po ba ang mga pagkakaiban? Aniya na grabe na talaga ang pinagbago ng mga kabataang tulad mo. Ouch!. Parang kami na yung mga salot sa mundo kung makapagbitaw ng salita si lola. HAHA. Aniya ni lola, ang mga kabataan noon hindi marunong magsalita ng pabalang. Malaki daw ang respeto sa mga nakakatanda, kahit nga mga nakakabata sa kanila. Eh, sa mga kabataan ngayon palasagot at di marunong rumespeto sa mga nakakatanda o nakakabata sa kanila, dagdag pa niya ( hindi naman lahat pero karamihan ) . Ayon din sa aking nabasa malaki ang pagkakaiba ng mga kabataan noon sa kabataan ngayon. Ang kabataan noon pinahahalagahan nila ang pag-aaral, gumagawa sila ng paraan upang sila ay makapagtapos, noon wala pang teknolohiya katulad ng telebisyon, computer at telopono o cellphone. Sa tuwing gagawa sila ng takdang-aralin kailangan pa nilang magbasa ng mga isang damukal na libro para lang makagawa ng takdang aralin at sa tuwing may gustong kamustahin malayong lugar kailangan mo pang magsulat at ipadala sa mail box upang malaman ang kalagayan. At sa panliligaw din may pagkakaiba, kapag manliligaw ka noon kailangan mangharana ka, magbibigay ng tsokolate at bulaklak, at hindi lang ang dalaga ang liligawan, pati na rin ang kalolo-lolo-han ng dalaga liligawan din, daig pa ang pamamanhikan. Anu? At ang kabataan noon ang mga kabataan mga ala sais pa lang palubog ang araw nasa loob na ng bahay ang mga kababaihan. Noon din ang kababaihan noon malapilipinyana at mahinhin .Gayundin ang mga kalalakihan noon maginoo marunong rumespeto at gumalang ng kababaihan. Ito naman ang mga kabataan ngayon sa edukasyon nandyan na ang lahat, may pera na ayaw pa rin pagbutihin ang pag-aaral at nakuha pang magbulakbol at maglakwatsa, napapadali na ang mga bagay bagay dahil sa teknolohiya. Sa henerasyon natin ngayon mayroon ng computer , telebisyon at telepono o cellphone. Sa tuwing gagawa ng takdang aralin hindi ka na magbabasa ng madaming libro dahil mayroon ng computer ‘GOOGLE’ COPY+PASTE= TAKDANG ARALIN OHA!!. At kapag gustong mangamusta sa malayong lugar nandyan ang telepono o cellphone, kahit nga sa computer puwede. At sa panliligaw naman hindi na kailangan ligawan ang ka-lolo-lolohan ng dilag at hindi na rin kailangan ang tsokolate at bulaklak, dahil ngayon ang panliligaw HANAP,USAP,DEAL.Oh! , di ba napabilis na. Ngayon wala ng malapilipinyana at malaginoo diba ang dami ng nababalitaang NARERAPE, kaya sa henerasyon natin bilang na lang siguro ang mga maginoo at mahinhin. 


     Mga kababaihan kasi ngayon kung manamit parang gusto palagi yung kita yung kaluluwa, eh bakit hindi na lang tapalan ng band aid yan mga anu nyo. At mga kalalakihan naman nawawala ang pagkamaginoo at napapalitan ng pagnanasa. Minsan gusto kong bumalik sa nakaraan sa panahon upang ako mismo ang makakasaksi sa kaibahan ng kabataan noon sa kabataan ngayon. Subalit, minsan kasi ay parang alam kona ang kaibahan , noon siguro madalang lang ang nakakapagsalita ng hindi maganda. Sa ngayon kasi ang daming mga kabataan na sinasabi ang mga ito kahit hindi nila alam ang nais iparating, sunod sa uso dahil sa henerasyon.
Sobrang laki ng pagkakaiba ng kabataan noon sa kabataan ngayon sa ating henerasyon nakakatawang isipin na ganito pala talaga ang buhay, pabago-bago. Napatanung tuloy ako sa aking sarili bakit nga ba halos lahat ng kabataang ngayon ay pabaya, hindi lang sa pag-aaral kundi pati na rin sa pananalita, pagkilos at sa kabuuang pamumuhay ?? Kayo bilang kabataan paano nyo ito mababago? “CHANGE THE WORLD”. Pero sa aking palagay dahil din sa kanilang nasasakupan o pamumuhay na mayroon sila, puwede din kung paano sila pinalaki . May isa kasi ako kakilala na maaga siyang naging ina, sa hirap din ng buhay nila hindi nya alam kung saan kukuha ng pera pangtustos para sa batang iyon. Nang isang araw na isipan niyang pumasok sa isang BEERHOUSE kung saan ang mga kababaihan doon ay nagsasayaw ng walang saplot sa kanilang katawan. Hanggang sa napabayaan niya ang kanyang anak dahil sa kanyang trabaho, lumaki ang bata sa isang lugar na ang tawag ay “baryo matae”, ang batang ito hindi naturuan ng magandang asal, at ni hindi nakapag aral. Ngayon isa na siyang rapis pero ito ay nakasalukyang nakakulong. Ang lalaking ito ang kinakatakutan sa aming lugar . Ito rin ang isa ko sa halimbawa kung bakit nagkakaganito ang mga kabataan ngayon dahil sa pagpapalaki ng mga magulang. Marahil naririnig nila ito sa mga nakakatanda sa kanila, hanggang maging isang responsableng mamamayan, at siguro hindi na ito maiaalis kung ganito na ang mga kabataan ngayon. Ngunit paano na ang mga darating na ibang henerasyon? Mababago pa kaya ang pamumuhay nila, mapapabilis pa ba ito? Paano na ang mga kabataan magiging pag-asa pa kaya ng ating bayan ?


     Ngayon na alam na natin ang pagkakaiba ng mga kabataan noon at ngayon sana’y maging silbing aral ang mga ito sa atin. Bago ko tapusin ito may iiwan lang akong katagang “Ang maling ginagawa ng matanda ay nagiging tama sa mata ng bata”. Kaya mga magulang, lolo, lola, tita, tito, kuya, ate , atpb. Kayo dapat ang maging mabuting ehemplo na magpapakita ng magandang aral at asal sa mga kabataan sa susunod na henerasyon. Tuparin ang sinabi ng ating pambansang bayani. KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN , HINDI MAN SA NGAYON, MALAY NATIN SA SUSUNOD NA HENERASYON. KILOS KABATAAN !!!